Layunin: Sa pagtitipon na ito, mauunawaan ng bawat isa na ang “stress” ay nakaka apekto sa
Kalusugan.
Nilalaman: Ipinapaliwanag dito kung ano ang “stress” at kung papaano ito nagbubunga ng sakit ayon sa mga
dalubhasa sa kalusugan at kung papano makakatulong and Diyos sa ganitong sitwasyon
“Si Yahweh ay papurihan, O aking kaluluwa,at huwag mong kaliligtaan, mabubuti niyang gawa. Ang lahat kong kasalana'y siya ang nagpapatawad, at anumang aking sakit, ginagamot niyang lahat.”
Mga Awit 103: 2-3 –
Lahat tayo ay nakakaranas ng “stress” sa ating buhay. Pero ano nga ba ang stress? Ito ay tumutukoy sa “psychological stress”, isang sitwasyon na kung saan ay nakararanas ka ng isang matinding damdamin ng pag aalala, o kaya naman meron kang nararanasan na hindi umaayon sa iyong naisin. Ang stress ay maaaring dala rin ng sobrang kagipitan, problema o mga isyu at kaganapan sa buhay na nagdudulot sa atin ng kawalang kapayapaan. Pwede rin itong magmula sa mga simpleng bagay gaya ng mahabang linya sa tindahan o kaya naman ay matinding“traffic” at nagkataong nagmamadali ka sa pagpasok sa iyong trabaho. Maaari rin tayong ma stress kung isang mahal natin sa buhay ay nagpaalam na o kaya naman meron tayong malalim na sama ng loob sa isang tao.
Kung ikaw ay nakararanas ng “stress”, ang iyong utak ay naa “activate” ang “nervous and endocrine system” na tumutulong upang itoy malabanan mo o makayanan ang “stress” na ito.
Kapag nangyari ito, may mga kemikal sa loob ng sistema ng ating katawan na napapakawalan na syang magreresulta ng pagtaas sa ating metabolism, pagtaas ng presyon ng dugo, at mas mabilis na pagtibok ng puso at iba pang mga “psychological effects” na makapipinsala sa kalusugan. Ang hamon sa atin dito ay maiwasan ang ganitong mga karanasan. Magagawa lamang natin ito sa tulong ng ating Panginoong Diyos.
Ang sabi ng mga dalubhasang mananaliksik: Ayon sa pag-aaral ng American Psychological Association, pinipahiwatig nila na 75-90% sa mga pasyente na bumisita sa doktor ay mga “stress-related” na reklamo. Sa isang pag-aaral na isinasagawa sa Carnegie Mellon University sa Pittsburgh, natuklasan ng mga mananaliksik na ang mga tao na nakakaranas ng “stress” sa trabaho at bahay ay mas tinatamaan ng sipon ng mga 3x-5x na beses. Ayon sa ulat ng isang siyentipiko ng University of Rochester Medical Center, sa mga kababaihan na dating na diagnose ng kanser sa suso at sa mga nagtiis din ng traumatiko o ibang nakakabahalang mga kaganapan, na tila gumagaling na, ngunit dahil sa naranasan nilang “stress”, mabilis na bumabalik and kanser sa kanila. Sa aklat ni Dr. Kenneth Cooper na “Faith-Based Fitness sinabi niya: “Natuklasan ko na ang aking mga pasyente na nakaranas ng “stress” at “anxiety” o takot ay siyang may mas malulubhang problemang pisikal... ang pag-iisp ng mga alalahanin ay maaaring mag dala ng banta sa kalusugan.”
Ang sabi ng Biblia:
“Ang buhay ko'y nalilipos ng hirap at suliranin, ngunit ang iyong kautusan ang sa aki'y umaaliw” (Psalm 119:143).
“Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo; hindi ito katulad ng kapayapaang ibinibigay ng mundo. Huwag na kayong mabalisa; huwag na kayong matakot” (Juan 14:27).
“Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at nabibigatang lubha sa inyong pasanin, at kayo'y bibigyan ko ng kapahingahan. Pasanin ninyo ang aking pamatok at sundin ninyo ang aking mga itinuturo sapagkat ako'y maamo at mapagkumbabang loob. Matatagpuan ninyo sa akin ang kapahingahan” (Mateo 11:28-29).
“Sinabi ko ito sa inyo upang kayo'y magkaroon ng kapayapaan sa pakikipag-isa sa akin. Magdaranas kayo ng kapighatian sa mundong ito, ngunit tibayan ninyo ang inyong loob! Napagtagumpayan ko na ang sanlibutan!” (Juan 16:33).
Ang Pwede Mong Gawin: Sadyang di maiiwasan na maranasan ng kahit sino ang “stress”, ngunit mas maayos natin itong madadala kung uumpisahan natin ang ating araw sa pakikipagugnayan sa ating Panginoon Diyos, iyan ay sa pamamagitan ng pananalangin. Pasalamatan natin Siya sa panibagong araw, sa bagong kalakasan at magbigay ng panahon na basahin ang Kanyang Salita – ang Biblia. Sigurado, mas maganda ang araw natin kung naumpisahan ito ng panahon para sa Diyos. Kung hindi mo pa ito nakaugalian, hinihikayat kita na gawin ito. Magbasa ka ng Biblia at hayaan mo na ang Banal na Espiritu ang Syang magusap sa iyo. Makikita mo kung papaano magbabago ang iyong pananaw mga bagay-bagay sa iyong buhay. Iyan ang kaibahan na iyong mararanasan. Hindi ka agad basta basta magagalit, maiingit, o makapag-isip ng mga bagay na magdudulot sa iyo ng “stress”. “Huwag kayong mabalisa tungkol sa anumang bagay. Sa halip, hingin ninyo sa Diyos ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ng panalanging may pasasalamat. 7 At ang kapayapaan ng Diyos na hindi kayang maunawaan ng tao ang siyang mag-iingat sa inyong puso at pag-iisip dahil sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus.” (Filipos 4:6-7)
Ikaw ba ay may nararanasang takot o kabalisahan na sa iyo’y nagpapahirap? Nais ng Diyos na alisin ito sa iyo. Maaaring nasa sitwasyon ka ngayon na ikaw ay balisa o nalulungkot dahil ikaw ay may damdaming nasaktan ng ibang tao, ng matalik mong kaibigan o mahal mo sa buhay at dahil dito ay nahihirapan kana na magtiwala sa iba. Kung nararanasan mo ito ngayon, pwede mong hingiin sa Diyos na bigyan ka ng kakayahan na mapatawad mo itong tao na ito at ikaw ay punuin ng Kanyang pag-ibig.
Sa isang katulad na paraan, ang mga isyu ng buhay gaya ng kawalan ng kapanatagan (insecurity) o kaya naman ay pagkakasala (guilt) at kahihiyan ay maaaring maging isang pangunahing dahilan na ikaw ay ma “stress”. Ang pag-ehersisyo, pagkain ng tama, hustong paghinga (breathing exercise) at pagtulog ng tama ay makakatulong sa pag “mangage” ng “stress”. Siyempre, huwag kaliligtaan ang pakikipagugnayan sa Diyos kasama sa mga gawain na ito. Sa iyong pananalagin, hilingin mo sa Diyos na ihayag sa iyo ang ugat na pinagmulan ng iyong di magandang damdamin at ng maisaayos ang mga problemang ito. Hilingin mo sa Diyos ang kagalingan sa iyong puso.
Panghuli, isaalang-alang mo ang epekto ng iyong iniisip sa iyong araw-araw na pamumuhay. Hindi ba’t ang negatibong pag iisip ay nagdudulot rin ng “stress”? Maaring ang Diyablo ay gumagawa ng paraan upang ikaw ay maitali o makadena sa isang negatibong kaisipan. Dahil dito ay hindi mo magagawa ang nais ng Diyos para sa iyo. Ang Salita ng Diyos ay naghahayag ng Kanyang pag-ibig sa iyo. “Sapagkat tayo'y nilalang ng Diyos; nilikha sa pamamagitan ni Cristo Jesus upang iukol natin ang ating buhay sa paggawa ng mabuti. Iyan ang layuning pinili ng Diyos para sa atin noong una pa man” (Efeso 2:10).
Pagbubulaybulay:
Ugali mo ba na humingi ng tulong sa Panginoong Diyos kung ikaw ay nakakaranas ng “stress”? Kung hindi pa, hinihikayat kita na manalangin at idulog sa Kanya ang iyong mga karaingan.