Back to School Tips para sa mga Magulang
Ready ka na ba sa back to school ng iyong anak? Kadalasan, sa unang araw ng pasukan ay karaniwang nakakaramdam ng panic at takot. Mahalagang maipaintindi sa iyong anak ang mga dapat i-expect sa pasukan para mapanatag ang kanilang loob.
Ihanda ang kanilang mood para sa nalalapit na pasukan.
Isali sila sa paghahanda ng kanilang mga gagamitin sa eskwelahan gaya ng school supplies at uniporme, para mas maging ganado sila. Pwede mo ring samahang manood ang iyong anak ng mga palabas patungkol sa eskwelahan para makondisyon ang kanyang kaisipan sa nalalapit na pasukan.
Huwag i-dismiss ang kanilang nararamdaman.
Maaaring makaramdam ng anxiety, excitement at iba pang emosyon ang iyong anak sa unang araw ng pasukan. Pakinggan sila kung nagsasabi sila ng tungkol sa kanilang nararamdaman at suportahan sila sa pag-validate ng kanilang emosyon. Huwag silang kagalitan o sisihin dahil dito.
Kapag nag-start na ang klase:
Laging kumustahin ang kanilang araw.
Alamin kung paano mo siya mabibigyan ng suportang kailangan niya habang siya’y nasa eskwelahan. Gawing safe environment ang iyong tahanan kung saan malaya siyang makakapagsabi ng kanyang mga problema o alalahanin pagdating sa kanyang pag-aaral.Magtakda ng consistent at distraction-free na oras at lugar ng pag-aaral.
Siguraduhing hindi distracted ang iyong anak sa oras na gagawa siya ng assignment o magre-review para hindi maapektuhan ang kalidad ng kanyang pag-aaral. Kung maaari ay nakatabi ang mga gadgets, laruan o anumang gamit na maaaring makaagaw ng kanyang atensyon.Siguraduhing may sapat na tulog gabi-gabi.
I-discourage and paggamit ng cellphone bago matulog. Magtakda rin ng bedtime routine para masigurong maayos ang tulong iyong anak at magkaroon ng sapat na enerhiya para sa susunod na araw ng pasukan.Financially ready ka ba sa pasukan?
Alam mo ba na may libreng scholarship program ang KMBI para sa mga anak ng kliyente nito? Kung may anak kang patungtong na sa kolehiyo, makipag-ugnayan sa inyong Program Unit Head para matukoy ang mga requirements para makakuha ng scholarship mula sa KMBI.
References:
https://www.philstar.com/lifestyle/health-and-family/2023/08/27/2288109/5-back-school-tips-parents-kids https://www.peacheycounselling.ca/blog/2023/10-tips-to-get-your-kids-feeling-good-about-going-back-to-school