Photo by Angie Reyes / Pexels

Mahilig ka ba sa mga extra challenge? Isa na ata sa mga challenging na gawin ay ang pag-iipon, pero rewarding at comforting naman pag nagawa mo ito nang tama. Narito ang ilang mga savings challenge na pwede mong gawin para makaipon:

1. Envelope Challenge

Maghanda ng 10 sobre. Lagyan ng label ang bawat isa. Halimbawa, Sobre #1 = P100, Sobre #2 = 200, Sobre #3 = 300, hanggang Sobre #10 = P1,000. Punuin ang halagang nakalagay sa bawat sobre simula Sobre #1, hanggang makarating ka sa Sobre #10.


2. Singkwenta Pesos Challenge

Lahat ng singkwenta pesos (P50) na makukuha mo ay hindi mo gagastusin at itatabi mo sa isang lalagyanan, at gagawin mo ito sa loob ng dalawang buwan o 60 araw.

Ang halaga ng maiipon mo ay nakadepende sa kung gaano karami rin ang nakukuha mong 50 pesos araw-araw.


3. Spare Money Challenge

Sinupin ang lahat ng mahahanap mong sobrang barya na nasa mga sulok-sulok ng iyong tahanan. Kung may mga sukli na nasa maliit na zipper ng iyong bag, bulsa ng iyong labahing damit o sa pitaka ay pwede mo nang simulang mag-ipon. Bukod sa nasisinop mo ang perang nahahanap mo, naeengganyo ka pang maglinis ng bahay! Scavenger hunt na may twist at reward!


4. "Gastos-Free" Day

Magbukod ng isang araw sa isang linggo kung saan hindi ka gagastos ng kahit ano maliban sa sapat na almusal, tanghalian at hapunan. Maaaring maglagay ng exception kagaya ng bayarin sa kuryente o tubig, o anumang emergency na bayarin. Ang ideya ay para maging aware tayo sa ating mga pinaggagastusan na bukod sa ating mga pangangailangan.


5. 52-week savings challenge

Ito ang patok na patok na savings challenge ngayon. Magtabi ng isang fixed amount tuwing linggo depende sa kung magkano ang kaya mong isubi. Kung kaya mong magtabi ng PhP 100 kada linggo, mayroon kang maiipong PhP 5,200 sa loob ng isang taon. Mas malaki pa yan kung kaya mong dagdagan ang maiipon mong pera. Para madaling ma-track ang iyong progress, maglagay ng checkmark sa kalendaryo kapag natabi mo na ang iyong lingguhang ipon.


Photo by Angie Reyes from Pexels