Isa sa pinakamahirap na bahagi ng pagiging magulang ay ang pagpapalaki sa ating mga anak. Narito ang ilang positive parenting tips para magkaroon ng masaya at matibay na bonding sa kanila.




Gamiting opportunity ang pagkain nang sabay-sabay upang makipagkwentuhan sa ating mga anak tungkol sa kanilang mga kaibigan, pangarap, nais gawin at mga naganap sa kanilang araw.

Pwede rin nating pag-usapan ang kanilang mga problema. Pwede nating hingin ang kanilang opinyon at saloobin sa mga bagay na kanilang nakikita sa araw-araw mula sa telebisyon, internet at kanilang kapaligiran.

Maging handa tayong sagutin ang kanilang mga tanong at pakinggan ang kanilang mga ideya.




Maglaan ng esklusibong oras sa bawat anak isa o dalawang beses kada buwan.

Makakatulong ito para higit silang maging malapit sa atin at maging open tungkol sa kanilang buhay.

Ang dates natin sa ating mga anak ay maaaring simpleng pagtulong natin sa kanya sa paggawa ng projects, pagkain sa labas, pagpunta sa mall o kaya paglalaro sa arcade. Kung lalabas ay siguruhing patuloy na sumusunod sa health protocols!

Ang mga anak natin ang dapat mahalaga sa mga dates na iyon.




Sabi nga, “the family that prays together, stays together.”

Bago ang ating prayer time, siguruhing matanong natin ang ating mga anak ng kanilang thanksgiving items at prayer requests.

Ito ang ating sharing time para malaman natin at ng mga anak natin kung ano ang mga priorities at pinahahalagahan ng bawat isa.




Mahalagang masakyan natin ang trip ng ating mga anak para magabayan natin sila nang maayos.

Kung mahilig sila sa gadgets, gamitin din natin ito para maka-bonding natin sila. Magkaroon ng bedtime storytelling mula sa YouTube videos o e-book. Mag-movie time sa bahay gamit ang TV, tablet, o phone.

Ang mahalaga, may oras na kasama tayo ng ating mga anak sa kanilang panonood o paggamit ng mga gadgets.




Magandang maturuan natin sila ng mga gawaing bahay para ma-develop ang kanilang independence at maging responsable sa bahay.

Gabayan sila habang ginagawa ang mga ito, bigyan sila ng papuri pag nagawa nila ito nang tama o kaya ituwid ang mga maling gawi.