Dahil sa pandemya, nagiging mas connected na tayo online. Pero saan man tayo magpunta ay di mawawala ang mga mapagsamantala. Kaya dapat maging matalino sa paggamit ng internet para iwas scam! Narito ang ilang mga paalala.
1. Kilatising maigi ang deal
Kadalasan, sinasamantala ng mga scammers ang padalus-dalos na desisyon ng mabibiktima nito, kaya nag-aalok sila ng magagandang deal na tiyak na mahirap tanggihan.
Kapag ang isang produkto o serbisyo ay masyadong maganda para maging totoo, isiping mainam at huwag magmadali sa pagdedesisyon hangga’t hindi mo pa ito nakukumpirma.
2. Mag-ingat sa paunang bayad kapalit ng pangako
Bayad muna na wala pang binibigay na serbisyo? Ingat dito! Huwag agad-agad magbibigay ng bayad sa taong hindi mo kilala na nangangako ng instant produkto o serbisyo, lalo na kung online transfer ang hinihinging mode of payment.
3. Mag-cross-check
Kung duda ka na ang isang tao ay nagpapanggap lang na kinatawan ng isang organisasyon, i-confirm ito sa kompanya na kanyang nirerepresenta. Karamihan sa mga organisasyon ngayon ay madaling i-contact sa Facebook, o may nakalagay na numero na pwede mong tawagan.
Ang scammer ay kumukuha lamang ng picture o pangalan mula sa ibang tao para magmukhang lehitimo at makuha ang loob mo. Karapatan mong hingin ang kanyang ID at i-cross-check ang kanyang identity sa ibang social media platforms.
4. Tumingin sa comments at reviews
Kadalasan, ang mga comments sa profile ng isang scammer ay kasabwat lang o di kaya’y dummy account na sila rin ang may-ari at naglalagay ng magandang pahayag para mas magmukhang katiwa-tiwala ang kanilang serbisyo. I-search sa Facebook ang pangalan ng tao o organisasyon at hanapin kung may mga public post na galing sa iba patungkol sa naturang indibidwal.
Karamihan sa mga biktima ay nagpo-post sa publiko ng negatibong pahayag patungkol sa online scammer bilang babala at pag-iingat sa iba. Ugaliing mag-imbestiga dahil karamihan sa mga transaksyon ngayon ay online na.
5. Ingatan ang iyong personal na impormasyon
Ito ang ginagamit ng mga scammer para kunin ang iyong pagkakakilanlan. Ang iyong personal information, gaya ng tirahan, birthday, edad, numero, o e-mail address ay dapat iniingatan at hindi basta-basta ibinibigay sa kaninoman, lalo na sa taong hindi mo pa lubos na kilala.
6. Hingin ang opinyon ng iba
Mahalagang makarinig ka rin ng payo galing sa mga taong pinagkakatiwalaan mo. Maaaring mayroon silang alam o karanasan na makakatulong makumpirma kung ang isang produkto o serbisyong inaalok ay totoo o scam lamang. Pwede ka ring sumali sa mga Facebook support groups at manghingi ng opinyon ng karamihan patungkol sa iyong tinitignang profile.
Siguraduhin lamang na ang iyong sinasalihang grupo ay mapagkakatiwalaan, may admin na aktibong nagsasala ng posts upang masigurong lehitimo ang mga nilalaman nito.
Mayroon kang magagawa para makatulong na pigilan ang pagdami ng mga nabibiktima ng online scams. Kapag napatunayan mo na ang nakatransaksyon mo o ng ibang tao ay isang online scammer, magsumite ng report sa mga opisinang saklaw ng iyong lugar, kasama ng mga nakalap na ebidensya.
- PNP-ACG Operations Center
- Philippine National Police
- Camp Crame, Quezon City
- Tel: 8723-0401 local 5337 or 0998 598 8116
- Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.
- Anti-Cybercrime Division
- National Bureau of Investigation
- Taft Avenue, Manila
- Tel: (632) 523-8231 to 38 local: 3454, 3455
- Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.
Maaari mo ring i-contact ang National Bureau of Investigation (NBI) sa kanilang website sa www.nbi.gov.ph o sa kanilang official Facebook account.
Dahil ang online scam ay isang uri ng krimen, pwede kang mag-file ng report sa: