Nahihirapan ka bang magpresyo ng iyong mga produkto? Nauubos naman ang mga ito, pero pakiramdam mong parang wala ka namang kinikita? Halina at alamin ang mga dapat gawin at isaalang-alang para ang kita ay iyong makita.
Hindi basta-basta ang pagpepresyo ng produkto. Hindi lang kung ano ‘yung presyo sa iba, ay ganoon na rin ang sa iyo. Hindi rin lang dahil gusto mo ng malaking kita ay tutubuan mo na nang malaki ang iyong produkto. Hindi dapat ganoon mag-presyo. Maraming factors na dapat isaalang-alang sa pagpepresyo ng iyong produkto.
- Raw Materials (Materyales) – ilista ang lahat ng mga materyales/ingredients na ginagamit sa paggawa ng iyong produkto
- Labor (Bayad sa paggawa) – ang suweldo ng mga empleyadong gumagawa o nagtitinda ng iyong produkto. Pwede rin itong suweldo sa iyong sarili
- Transportasyon – ang gastos na ginamit sa pagbili ng mga materyales
- Utilities (tubig, kuryente) – ang gastos na ginamit sa tubig at kuryente sa paggawa ng produkto
- Mark up (Kita) – dagdag na tubo o magiging kita
- Direct Cost - gastos na direktang ginamit sa paggawa ng produkto tulad ng raw materials at labor
- Indirect Cost - gastos na hindi direktang ginamit sa paggawa ng produkto tulad ng transportasyon, suweldo sa sarili o ibang empleyado
- Mark-up - ito ang tubo na nais mong kitain. Kadalasan ito ay 10% to 30% ng kabuuang gastos ng iyong produkto
- Final Price - ito ang pinagsamang kabuuang gastos ng iyong produkto at mark - up
- Raw Materials Cost = 250
- Bottles = 50
- Utilities (water) = 30
- Labor = 100
- Transportation = 50
- Yield = 20 Liters
- Salary (Owner) = 100
Bukod ng mga nabanggit, dapat ding alam mo ang mga bagay na ito:
Ngayong alam mo na ang mga dapat isaalang alang, gawin naman natin ang sample ng pagpepresyo ng isang produkto. Halimbawa ng produkto ay Dishwashing Liquid Soap.
Sample computation:
Sa halimbawa na ginawa natin, makikita ang mga bagay na dapat nakasama sa pagkalkula kapag ikaw ay nagpepresyo ng iyong mga produkto. Dapat kumpleto upang hindi ka malugi.
TIP: Importante ring alamin ang mga presyo ng iyong mga kakumpetensya dahil baka ikaw ay sobrang mas mataas sa kanila o mas mababa. Pwede mong laruin kung tataasan ba o bababaan ang tubo ng iyong produkto.
Dapat na tandaan, kung mas mahal ang iyong produkto kumpara sa iba, dapat ang kalidad mo ay mas mataas din sa produkto nila. Kung mas mura naman ang iyong produkto kahit pantay lamang sa kalidad nila ay sapat na.
Ngayong alam mo na ang mga bagay na dapat isinasa-alang alang sa pagpepresyo ng produkto, balikan ang iyong negosyo, kunin ang calculator at siguruhin ang presyong swak sa iyong produkto!