Ayon sa PAGASA, mula 13 hanggang 18 ang bilang ng mga bagyong maaaring pumasok sa Pilipinas ngayong 2024. Ang buwan ng Hunyo rin ang itinuturing na simula ng rainy season, kaya dapat itong paghandaan. Narito ang ilan sa mga tips kung paano magiging hassle-free ang inyong rainy season.
Alisin ang mga posibleng pamugaran ng lamok
May mga parte ng bahay na maaaring maging reservoir ng stagnant water na maaaring pamahayan ng lamok na nagdadala ng dengue at malaria. Ilan sa mga karaniwang pinamamahayan ng lamok ay mga bote, gulong, timba, batsa, alulod, at iba pa.
Iwasang lumusong sa baha
Maaaring kontaminado ang tubig baha ng mga bacteria na maaaring pumasok sa iyong katawan kung ikaw ay may sugat. Isa sa mga maaaring makuhang sakit ay ang Leptospirosis na nagbibigay ng mga sintomas gaya ng lagnat, ubo, pagsusuka, pagdudumi, pamumula ng mata at paninilaw ng balat.
Palakasin ang immune system
Para maiwasan ang mga karaniwang sakit gaya ng flu at sipon, siguraduhing masustansya ang iyong pagkain at samahan ang iyong diet ng pag-inom ng supplements gaya ng vitamin C.
Maghanda ng sariling GO BAG
Ang GO BAG ay naglalaman ng mga mahahalagang mga gamit sa panahon ng emergency. Ito ang mga dapat laman ng iyong GO BAG:
References:
Department of Health
https://www.ritemed.com.ph/articles/tamang-alaga-tips-ngayong-tag-ulan
https://launion.gov.ph/mga-paghahanda-sa-tag-ulan/