Ang KMBI ay Non-VAT registered MFI na
Mga Minamahal Naming Program Members,
Ikinagagalak naming ibalita sa inyo na nanumbalik ang Non-VAT registration ng KMBI bilang Microfinance NGO alinsunod sa naipasang batas noong November 3, 2015 – ang Republic Act 10693 o Microfinance NGO Act. Ang nasabing batas ay isa sa mga unang tagumpay ng APPEND Party List, sa tulong nina Sen. Bam Aquino at Cong. Pablo Nava III.
Ang Non-VAT registration ng KMBI ay nangangahulugan na hindi na tayo papatawan ng karagdagang 12% VAT mula sa interes sa pautang at iba pang produkto/serbisyong KMBI. Mula ngayong January 2016 ay hindi na kayo magbabayad ng VAT!!!
Batid namin ang inyong pag-intindi at kooperasyon sa anumang munting adjustments ukol sa bagay na ito. Asahan po ninyo na ang KMBI ay patuloy sa pagtuklas at paghahatid ng mga produkto at serbisyong makakatulong sa inyo.
Para po sa karagdagang impormasyon o agam-agam, wag mag-atubiling tumawag sa +632 2911484 to 86, mag-email sa This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. o mag-iwan ng message sa FB account ng Kabalikat Para sa Maunlad na Buhay Inc.
Maraming salamat po.
Ang inyong lingkod,
(signed)EDUARDO C. JIMENEZ
President