Kwentong Makabuluhan para sa Bagong Inspiration
ESSAY Writing Contest

Nagsusulat ka ba?

Meron ka bang naisip na ideya na maganda ituro sa ating mga kliyente para sa center meeting?

Aba, wag mo nang itago ang galing mo at push na natin yan!

Hinihikayat ng Client Transformation Division (CTD) ang mga staff ng KMBI na magsumite ng kani-kanilang maiksi at reflective na kuwentong nababagay sa pangangailangan ng ating mga kliyente tungo sa positibong pagbabago. Ang mga kuwentong ito ay gagamitin para sa dine-develop na 2017-2018 transformational tool ng KMBI.

Mga Alituntunin sa Pagsali

1. Ang contest  na ito ay bukas sa lahat ng staff ng Head Office at Branches, anuman ang posisyon o appointment status.
2. Sa mga interesadong staff, ipagbigay-alam sa CTD ang kanilang pagsali nang hindi lalagpas sa ika-7 ng Setyembre, 2016. Maaari ninyong isumite ang mga sumusunod na detalye sa This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.:

a. Buong pangalan
b. Posisyon
c. Branch/Unit
d. Contact number
e. Ang tema o paksang napili

3. Hindi maaaring sumali ang sinomang miyembro ng selection committee.

Tema at Nilalaman
4. Nangangailangang may kinalaman sa social, economic, environmental, o spiritual na tema ang kuwento.
5. Hindi maaaring humigit sa tatlo ang isusumiteng mga entry.
6. Ang mga entry ay nakasulat lamang sa Filipino o Filipino-English. Ang ipapasang entry ay nangangailangang orihinal at hindi nailathala. Maaaring narrative, descriptive, expository, o informative ang estilo ng pagsulat.
7. Hindi bababa sa 500 words at hindi hihigit sa 1,400 words ang isang entry.
8. Sundin ang sumusunod na alituntunin sa pagpasa ng entry:


a. Laki ng Papel: A4
b. Font: Times New Roman, size 12, single spacing, and justified
c. Margin 1 inch (at all sides)

9. Huwag kalimutan ang title ng iyong entry.
10. Kinakailangang naglalaman ng mga sumusunod ang entry na iyong ipapasa:
a. Kuwento
b. Reflection points (pagbulay-bulayan)
c. Simple activity (gawain) sa bandang huli ng kwento

11. Ang pagpasa ng entries ay maaaring via e-mail, courier services o hand delivery. Sa mga magsusumite via courier, ipasa lamang sa sumusunod na address:

KMBI Client Transformation Division
c/o Dawn Jandie I. Ulangca
12 San Francisco St., Karuhatan
Valenzuela City.

Kung via e-mail ang pagsumite ng entry, ipadala lamang sa This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it..

12. Ang tanggapan ng entries ay hanggang 5 p.m. ng September 30, 2016 lamang.

13. Ang lahat ng entries na isusumite ay magiging pagmamay-ari na ng KMBI.

Premyo
Mamimili ang selection committee ng tatlong (3) pinakamahuhusay na kwento sa bawa’t tema (social, economic, environmental, spiritual). 12 entries ang kabuuang mapipili. Tignan ang sumusunod na talahanayan:

RANK

AMOUNT

1st

3,000

2nd

2,000

3rd

1,000

Para sa karagdagang mga detalye, maaaring sumangguni ang Annex 1 sa ibaba.

ANNEX 1: MGA PAKSANG NAKAHAIN PARA SA TRANSFORMATIONAL TOOL NG CTD
           
Ang Kabalikat para sa Maunlad na Buhay, Inc. ay naglalayong gumawa ng sarili nitong aklat na magsisilbing leksyon-materyal na siyang gagamitin sa mga center meetings at accountability group meetings para sa taong 2017-2018. Layunin ng aklat na ito na matulungan, maturuan at magabayan ang bawat empleyado at kliyente nito patungkol sa mga praktikal at karaniwang isyu na may kaugnayan sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay. Sa kasalukuyan, ang Client Transformation Division ay nangangailangan ng mga manunulat na handang tumulong para makabuo ng sariling aklat. Ito ay sa pamamagitan ng pagsusumite ng mga artikulo na may kaugnayan sa mga sumusunod na paksa na nakatala sa ibaba.

Ang mga kalahok sa paligsahang ito ay may kalayaang magsulat ng anomang paksa ayon sa kanyang ibig ngunit ito ay nangangailangang maiugnay sa mga sumusunod na tema (Social, Economic, Environmental at Spiritual). Ang mga paksa sa ibaba ay suhestyon lamang ng CTD na maaaring gawing basehan sa pagsusulat.

 

  • Social
  • Sarili
  • Pamilya (Asawa, anak, magulang, kapatid)
  • Kaibigan
  • Kapit-bahay
  • Bilang isang miyembro ng KMBI
  • Economic
  • Matalinong paggamit ng pera
  • Pagba-budget
  • Pag-iimpok (Savings)
  • Pag-iinvest (insurance)
  • Mga tips sa paglago ng kabuhayan
  • Environmental
  • Pagiging mabuting katiwala
  • Wastong paggamit ng mga likas na yaman
  • Pagtitipid (Tubig at kuryente)
  • Pagiging malikhain (Paggamit ng mga environmental friendly na gamit; pagre-recycle)
  • Pagiging responsable sa iyong mga basura (segregation; may pera sa basura)
  • Spiritual
  • Malalim na relasyon kay Kristo (relasyon at hindi relihiyon)
  • Ang buhay na kasama ang Diyos
  • Ang Salita ng Diyos (kahalagahan ng pagbabasa, pag-aaral, pagbubulay-bulay at pagkakabisa ng mga salita ng Diyos)
  • Paano magiging malakas ang buhay  espiritwal? (Kahalagahan ng pagbabasa ng Bibliya, pananalanging lagi at pagdalo sa mga gawain)
  • Sino ang ating tunay na kaaway?
  • Iba pang mga paksa
  • Pagtingin o perspektibo sa buhay
  • Ang politika sa Pilipinas
  • Mga pangunahing pangangailangan sa araw-araw (Pagkain, tirahan at pananamit)